We're continuing to add content and translations every day over the next few weeks.

Durable power of attorney

Northwest Justice Project

Reviewed for legal accuracy on

Read this in: English, Español, العربية, 简体中文, 中文, ខ្មែរ, 한국어, Kajin M̧ajeļ, Русский, Tiếng Việt

Pinahihintulutan ka ng form na power of attorney na pumili ng pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak para tulungan ka sa iyong mga pasiya sa pinansiyal at/o pangangalaga sa kalusugan. (Mga form at tagubilin)

Forms

Title
Download
Fill out online

Fast facts

Pinahihintulutan ka ng form na power of attorney na pumili ng pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak para tulungan ka sa iyong mga pasiya sa pinansiyal at/o pangangalaga sa kalusugan. Pagkatapos mong pirmahan ito, dadalhin ng taong pinili mo ang power of attorney sa iyong mga medical provider, bangko, paaralan, at iba pang lugar para magdesisyon at pumirma ng mga kontrata para sa iyo.

Ang pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak na pinili mong tutulong sa iyo sa iyong pinansiyal at/o mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan ay tinatawag na iyong “agent.”

Ang power of attorney ay "durable" o matibay kung sinasabi nito na magagamit ito ng iyong agent kahit na magkasakit o mapinsala ka at hindi makagawa ng mga desisyon para sa iyong sarili.

Dapat mong pirmahan ang iyong mga form na Durable Power of Attorney sa harap ng isang notaryo. Kung hindi ka makahanap ng notaryo, maaari mo itong pirmahan sa harap ng dalawang saksi na "walang interes". Gayunman, mas pinipili ang pagpapanotaryo, lalo na para sa isang Durable Power of Attorney para sa Pinasiyal na mga bagay.

Pagkatapos pirmahan ang iyong mga form, gumawa ng 2 kopya. Ibigay ang orihinal na form sa iyong agent, magbigay ng isang kopya sa iyong kahaliling agent, at itago ang pangalawang kopya para sa iyo.

Oo. Maaari mong kanselahin (bawiin) ang iyong power of attorney anumang oras sa pamamagitan ng nasusulat na abiso sa iyong agent.

Pagkatapos ipawalang-bisa ang lumang power of atttorney mo, puwede kang pumirma ng bagong power of attorney na form para pumili ng ibang agent. Sa iyong bagong form na power of attorney, siguraduhing banggitin na ipinawawalang-bisa mo ang lahat ng lumang form na power of attorney.

Kung minsan, ang bangko o ibang negosyo ay nagsasabi sa iyong agent na hindi nila tatanggapin ang iyong power of attorney na form. May 2 karaniwang dahilan na maaaring mangyari ito:

  1. Hindi Nanotaryohan ang Form. Ayon sa batas ng Washington, balido ang iyong form na power of attorney kung pinirmahan mo ito sa harap ng isang notaryo o sa harap ng dalawang saksi na walang interes. Pero hinihiling ng mga bangko o iba pang negosyo na dapat na nanotaryohan ito. Maaari kang pumirma ng bagong form sa harap ng isang notaryo. Pero pwede ding hilingin ng iyong agent na makipag-usap sa kanilang legal department at banggitin ang Revised Code of Washington (RCW) 11.125.050. Kung ang iyong form ay tamang sinaksihan ng dalawa na walang interes na saksi imbes na nanotaryohan, balido pa rin ang iyong form ayon sa batas ng Washington. Kailangang tanggapin ito ng iyong bangko.
  2. Hindi ang “Angkop” na Form. Ang mga form na power of attorney sa pahinang ito ay balido ayon sa batas ng Washington, pero gusto ng ilang bangko at iba pang negosyo na gamitin mo ang kanilang form. Kung hindi tanggapin ng bangko o iba pang negosyo ang iyong form na power of attorney, maaaring hilingin ng iyong agent na kontakin ang kanilang legal department at banggitin ang RCW 11.125.050 at RCW 11.125.200(3)(a)

Maaaring hilingan ang mga agent ng sertipikasyon. Maaaring sabihin ng bangko na tinatanggap nila ang power of attorney kung pipirma ang agent ng isang “sertipikasyon” na testamento a kumukumpirma na balido ang power of attorney form. Legal ito. Ngunit kung gusto ng bangko ang isang sertipikasyon na testamento, kailangang hilingin din nila ito sa loob ng 7 araw mula sa araw na ibinigay mo sa kanila ang power of attorney form. Ang agent lang ang pipirma sa sertipikasyon na testamento.

Subukang kumuha ng legal na tulong kung ayaw tanggapin ng isang bangko o institusyon ang iyong form o hinihiling nila na gamitin mo ang kanilang mga form.