We're continuing to add content and translations every day over the next few weeks.

Kanselahin (pawalang-bisa) ang Power of Attorney

Northwest Justice Project

Reviewed for legal accuracy on

Read this in: English, Español, العربية, 简体中文, 中文, ខ្មែរ, 한국어, Русский, Tiếng Việt

Maaaring mong kanselahin (pawalang-bisa) ang iyong power of attorney anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay ng nasusulat na abiso sa iyong agent. (Mga form at tagubilin)

Forms

Title
Download
Fill out online

Fast facts

Pinahihintulutan ka ng form na power of attorney na pumili ng pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak na tutulong sa mga desisyon mo sa pinansiyal, mga desisyon sa pangangalaga sa kalusugan, pangangalaga sa mental na kalusugan, o kapangyarihan bilang mga magulang. Ang pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak ay tinatawag na iyong “agent.”

Oo. Puwede mong kanselahin (puwede mong pawalang-bisa) ang iyong power of attorney anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay ng nasusulat na abiso sa iyong agent. Maaari mong gamitin ang aming Revocation of Power of Attorney form o sumulat ka mismo. 

Magbigay ng kopya ng abiso ng pagpapawalang-bisa sa iyong medical pro/media/148vider, bangko, paaralan, at iba pang lugar na maaaring mayroon ng lumang power of attorney o kaya posibleng tatanggap nito. Kung posible, bawiin at sirain ang mga kopya ng iyong pinawalang-bisang power of attorney, o sabihin sa mga mayroon ng mga pinawalang-bisang kopya na sirain ang mga iyon. Magtago ng kopya ng iyong pinawalang-bisang power of attorney sa iyong mga record na may nakasulat na “NAPAWALANG-BISA” sa harap nito.

Hindi. Hindi kailangang ipanotaryo ang iyong abiso ng pagpapawalang-bisa. Ang aming form ay may impormasyon ng notaryo kung sakaling kailangan mong notaryohan ito.

Dapat mong ipawalang-bisa agad ang iyong power of attorney. Siguraduhin na ang iyong mga medical provider, bangko, paaralan, at iba pang lugar na maaaring mayroon o tatanggap ng lumang power of attorney mo ay mabibigyan ng kopya ng form o sulat na ginawa mo para ipawalang-bisa ang lumang power of attorney. Puwede mong ireport ang agent sa lokal na law enforcement o Adult Protective Services (APS).

Kung nababahala ka sa kaligtasan mo kahit na naipawalang-bisa mo na ang iyong power of attorney, maaaring kailangan mong pumunta sa korte para sa protection order laban sa agent.

Oo. Pagkatapos mong ipawalang-bisa ang lumang power of atttorney mo, puwede kang pumirma ng bagong power of attorney na form para pumili ng ibang agent. Sa bago mong power of attorney na form, siguraduhing banggitin na walang ng bisa ang lahat ng naunang power of attorney na form. 

Related